Bubuksan na sa weekend ang ilang serye ng entrace test para sa Philippine Military Academy (PMA).
Ang naturang pagsusulit ay nakatakda sa 46 na testing center sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Unang isasagawa ito sa Mindanao na nakatakda sa Agosto 10 hanggang 11, 2024. Sunod ang Visayas at Region 5 sa August 24-25.
Sa National Capital Region at Region 4-A at 4-B naman ay magsisimula sa Setyembre 7 hanggang Setyembre 8.
Huling magsasagawa ng examination ang Central at iba pang rehiyon sa North Luzon na nakatakda naman sa Sept. 21 hanggang 22.
Ayon kay PMA spokesperson Maj. Maria Charito Dulay, naabisuhan na ng prestihiyosing military school ang mga sasabak sa naturang pagsusulit kaugnay sa mga nakatakdang araw.
Samantala, ang mga PMA cadet na papasa sa naturang pagsusulit ay sasabak sa apat na taong military training program at hahanguin silang magiging opisyal at lider ng tatlong major command ng Armed Forces of the Philippines: Philippine Army, Philippine Navy, at Philippine Air Force.
Ang mga ito ay magagawaran ng Bachelor of Science Degree in Management Major in Security Studies.