-- Advertisements --

Makakatanggap ang Philippine Military Academy (PMA) ng tulong mula sa Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR) para i-upgrade ang kanilang mga pasilidad na siyang pangakong popondohan sa ilalim ng Pagcor.

Ayon kay PAGCOR Chairman at CEO Alejandro Tengco na siyang Guest of Honor para sa PMA Alumni Homecoming ngayong taon sa Baguio City, ang kanilang pangako na pondohan ang konstruksyon ng mga upgrades sa ilang pasilidad ng institusyon ay bahagi ng kanilang commitment na suportahan ang mga uniformed personnels.

Tiniyak ni Tengco na popondohan ng kanilang kumpaniya ang pagbuo ng bagong PMA Candidate Control Liason Office, warfare laboratory, martial arts studio at isang Olympic-size na swimmingpool sa loob ng academy.

Samantala, nangako din si Tengco na magbibigay dion ang Pagcor ng donasyon na siyang sasapat para magkaroon ng mga patient transport vehicles ang PMA simula sa sususnod na linggo.