-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Handang-handa na ang Philippine Military Academy (PMA) para sa graduation ceremony ng Mandirigmang Isinilang na may Dangal at Lakas upang maging Tanglaw ng Inang Bayan (MASIDLAWIN) Class of 2020 sa Mayo 22.

Una nang inihayag ni Captain Cherryl Tindog, tagapagsalita ng akademya na hindi personal na matutunghayan ng publiko ang graduation ceremony dahil nakasara ang PMA bilang bahagi ng pag-iingat laban sa COVID-19.

Inaasahang ihahayag bukas ng umaga ang pangalan ng mga nasa Top 10 habang gaganapin naman sa hapon ang graduation ceremony.

Mapapanood ang seremonya sa live streaming sa PMA Facebook page.

Sa ngayon ay sarado pa rin ang akademya dahil sa banta ng COVID-19.