-- Advertisements --

Sa ikalawang pagkakataon ay tatanggapin ng mga magtatapos ng Philippine Military Academy (PMA) ang kanilang diploma na wala ang kanilang mga magulang at mga mahal sa buhay sa darating na Mayo 10, 2021.

Kasunod ito ng ginagawang paghihigpit ng PMA dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bansa kaya magiging pribado na lamang ang graduation ng Masaligan Class of 2021.

Tanging ang mga makakapagpakita ng kanilang negative RT-PCR test ang papayagang makapasok sa Fort Del Pilar sa Baguio City.

Mapapanood na lamang ang nasabing sermonyas sa social media page ng akademya.

Ito ang pangalawang taon na magkakaroon ng paghihigpit ang PMA sa graduation dahil sa COVID-19 na ang una ay noong 2020.