-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Inaasahan ng pamunuan ng Philippine Military Academy (PMA) ang pagbaba ng bilang ng mga aspiring cadets na papasok sa akademya sa susunod na taon.

Ito’y dahil sa pagkasawi ni PMA cadet 4th Class Darwin Dormitorio sa umanoy hazing sa loob ng akademya.

Sa eklusibong panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Col. Claro Unson Jr., hepe ng Corps of Professors Selection Board ng PMA, seguradong matatakot na ang mga may planong papasok sa PMA dahil sa nangyari kay Dormitorio.

Maari umanong matagalan pa bago mawala ang kanilang takot, subalit ipinangako ni Unson na lubusan nang mawawala ang hazing sa akademya at mapatawan ng mabigat na parusa ang mga upperclass men na responsable sa pagkamatay ni Dormitorio.

Nauna rito, ipinangako rin nina DILG Sec Eduardo Año at newly installed AFP Chief of Staff Lt. Gen. Noel Clement na hindi na kailan man ma-uulit ang hazing sa PMA.