Hihingin ng bagong PMA superintendent na si Rear Admiral Allan Ferdinand Cusi ang tulong ng Philippine Military Academy Alumni Association (PMAAA) sa pagpapatupad ng mga reporma sa akademiya.
Naniniwala kasi si Cusi na kailangan nila ang tulong ng mga Cavaliers bunsod ng nangyaring kontrobersiya ukol sa maltreatment kay Cadet 4th Class Darwin Dormitorio na naging dahilan sa pagkasawi ng kadete.
Giit ni Cusi hindi niya magawa ang reporma sa loob ng akademiya kung nag-iisa lamang siya.
“I cannot do this alone believe me,” wika ni Cusi.
Nakatakda namang kausapin ni Cusi ang lahat ng mga kadete maging ang mga officers sa PMA.
Nais din ni Cusi na palitan na ang kultura ng PMA sa pagkakaroon ng nagkakaisang diwa gayundin ang kultura ng humility o pagpapakumbaba.
“Humility is very important, yung sense, yung culture of entitlement has been embedded for so long a time, but you have to remember outside when you graduate you have to humble your self, if they sense na you have arrogant heart ay goodluck to you,” ani Cusi.