Kasalukuyan nang nasa kustodiya ngayon ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) si dating PMSG Rodolfo Mayo Jr. na mayroong direktang pagkakasangkot issue ng 990KG biggest drug haul ng Philippine National Police.
Ito ang kinumpirma ni PNP Spokesperson PCol Jean Fajardo, kasabay ng pagbibigay-diin na magiging mahigpit ang seguridad at pagbabantay kay Mayo sa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City mula pa noong Disyembre 9, 2022 alinsunod sa ibinabang court order sa pulisya.
Giit ng tagapagsalita, hindi pakakawalan si Mayo sa Camp Bagong Diwa dahil sa bigat ng kinasasangkutan nitong kaso na dahilan ng kaniyang pagkakasibak sa serbisyo dahil sa grave misconduct at conduct unbecoming of a police officer.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang paggulong ng pagdinig sa kaso ni Mayo dahil sa naging paglabag nito sa Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Si Mayo ay isang intelligent officer ng PNP-Drug Enforcement Group na naaresto sa isang drug operation na ikinasa ng mga otoridad sa Maynila noong Oktubre ng nakalipas na taon.
Sinasabing siya ang may-ari ng WPD lending firm kung saan narekober ng mga otoridad ang pinaniniwalaang nasa mahigit isang toneladang ilegal na droga na itinuturing na biggest drug haul sa kasaysayan ng PNP…
Kung maaalala, bago ilipat sa Bureau of Jail Management and Penology ay una munang ikinulong si Mayo sa PNP Custodial Center sa Camp Crame matapos itong maaresto sa naturang operasyong noong Oktubre ng nakalipas na taon m,as