-- Advertisements --

Tiniyak ng Philippine Navy (PN) na nakahanda ang kanilang hukbo kung sakali man na lumala ang magiging tensyon sa pagitan ng Chinese Coast Guards (CCG) at ng mga tropa ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay PN spokesperson for the WPS Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, ang kanilang papel ay panatilihin na ligtas ang mga mamamayang Pilipino at bantayan ang seguridad sa WPS.

Ito ay matapos nagpahayag ng sentimiyento ang China sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodirgo Duterte sa bisa ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC).

Inaasahan kasi na mas magiging agresibo ang CCG sa kanilang patuloy na iligal na pananatili sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.

Aniya, ang mga tension ay hindi dulot ng Sandatahang lLakas ng bansa ngunit ng isang ‘foreign player’ na nais aniya na pamunuan at sakupin ang WPS.

Samantala, tiniyak ni Trinidad na nakahanda ang kanilang pwersa para sa anumang sitwasyon hindi lamang sa nagpapatuloy na tensiyon sa katubigan ng WPS, kundi maging sa seguridad ng bansa sa lupa man o maging sa himpapawid.