-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nagpahayag nang pagkontra ang Philippine Nurses Association (PNA) sa isinusulong na plano ng gobyerno na kumuha ng mga medical at nursing students bilang vaccinators.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PNA President Melbert Reyes, wala umanong nakikitang dahilan ang kanilang grupo upang hingin pa ang tulong ng mga medical students sa vaccination campaign lalo pa’t kokonti lang naman ang dumarating na suplay ng bakuna.

Binigyang diin rin ni Reyes na karamihan sa mga estudyante ngayon ay dumaan lang sa online class o gumamit ng modules kung kaya’t kulang sa karanasan sa vaccination.

Imbes na mga estudyante mas maganda umanong mga propesor, at guro na lamang ang hingan ng tulong ng gobyerno dahil sila ang mas nakakaalam sa ganoong trabaho.

Maalalang una ng hiningi ng DOH ang tulong ng mga dentista para sa pagbabakuna lalo pa’t nakatakda ng simulan ang vaccination program para sa mga kabataan.