Itinalaga si Solicitor General Jose Calida bilang incoming chairperson ng Commission on Audit (COA) sa ilalim ng Marcos administration.
Ito ang inanunsiyo ngayon ni incoming press secretary Atty. Trixie Cruz-Angeles.
Si Calida ay dating Justice undersecretary na itinalaga ni President Rodrigo Duterte bilang solicitor general noong taong 2016.
Samantala, napili naman ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. si PNB chief Jose Arnulfo “Wick” Veloso bilang president at general manager ng Government Service Insurance System (GSIS) sa ilalim ng kaniyang bagong administrasyon.
Ito ang kinumpirma rin ni Atty. Angeles.
Si Veloso ang kasalukuyang president at chief executive officer (CEO) ng Philippine National Bank.
Dati siyang nanilbihan bilang CEO ng HSBC Philippines, ang unang Pilipino na humawak sa posisyon.
Si Veloso ang isa sa dalawang latest appointees ni President-elect Marcos.