Binasag na ng Parokya Ni Edgar vocalist Chito Miranda ang kaniyang katahimikan matapos ang paglabas ng balita na inaresto ang asawang si Neri Naig.
Sa social media account nito ay nanindigan siya na walang niloko ang kaniyang asawa.
Tanging lamang ang kaniyang kasalanan ay ang pagiging matulungin lamang.
Ipinagdarasal na lamang niya na matatapos ang lahat ng pinagdadaanan ng asawa.
Ang kaso aniya na kinakaharap umano ng asawa ay dahil sa produkto na kaniyang inindorso kung saan ginamit ang mukha ng asawa para makakuha ng mga investors.
Giit pa ng singer na wala itong natanggap ng anumang sulat mula sa piskalya, kahit subpoena o anumang notice.
Magugunitang inaresto ng Southern Police District ang actress habang ito ay nasa Pasay City dahil umano sa 14 counts na paglabag ng Securities Regulation Code, estafa at syndicated estafa.