-- Advertisements --
sona 2018 hOUSE
State of the Nation Address 2018 (video grab from RTVM)

Hindi dadalo si dating Pangulong Benigno Aquino III sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 22.

Kinumpirma ito ng House of Representatives Task Force SONA 2019 – Committee on Invitations, Reception and Protocol.

Tradisyon na sa Kamara na magpadala ng imbitasyon sa mga dating Presidente at iba pajng government officials para dumalo sa SONA ng incumbent chief executive.

Pero magugunita na hindi ito ang unang pagkakataon na hindi dadalo sa SONA ni Pangulong Duterte, dahil tatlong beses na itong ‘di sumipot.

Samantala, kinumpirma naman ng Office of the Vice President na dadalo si Vice President Leni Robredo sa SONA ni Pangulong Duterte ngayong taon.