-- Advertisements --

Handang sagutin ni Police Regional Office-Davao Director Brigadier General Nicolas Torre III ang anumang kasong isasampa laban sa kanila dahil sa ginawa nilang paghahanap kay Pastor Apollo Quiboloy.

Sinabi ng opisyal na hindi problema sa kanila ang anumang kasong isasampa sa kanila dahil alam nilang ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho.

Pinabulaanan din nito na magkaaway sila ni Atty. Israelito Torreon ang abogad ni Quiboloy.

Magugunitang sinabi ni Torreon na magsasampa sila ng kaso laban sa mga kapulisan dahil sa illegal na paghuhukay sa compound ni Kingdom of Jesus Christ sa Davao.