KORONADAL CITY – Nakakumpiska ang Police Regional Office-12 ng 76 na mga armas sa loob ng tatlong buwan na pagpapatupad ng election gun ban.
Sa naturang bilang, 26 dito ay nakumpiska mula sa South Cotabato; 19 sa North Cotabato, 11 sa Sarangani, 10 sa General Santos City, siyam sa Sultan Kudarat habang isa naman sa Cotabato City.
Ayon kay PRO-12 regional director Police Brig. Gen. Eliseo Tam Rasco, nakumpiska ang naturang mga armas sa rehiyon mula sa pagsisimula ng election period noong Enero 13.
Kabilang umano rito ay ang pagsasagawa ng pagsisilbi ng search at arrest warrants, checkpoints at iba pang law enforcement activities.
Batay aniya ito sa pagsunod sa direktiba ng national office na ipatupad ng maayos ang firearms ban sa pakikipag-ugnayan sa Armed Forces of the Philippines at iba pang law enforcement agencies.
Tiniyak din ng police general na ginagawa nila ang kanilang makakaya upang magkaroon ng kapayapaan sa rehiyon habang nalalapit ang May 2019 local and national midterm elections.
Sa naturang bilang, 26 dito ay nakumpiska mula sa South Cotabato; 19 sa North Cotabato, 11 sa Sarangani, 10 sa General Santos City, siyam sa Sultan Kudarat habang isa naman sa Cotabato City.
Ayon kay PRO-12 Regional Director Police Brigadier General Eliseo Tam Rasco, nakumpiska ang naturang mga armas sa rehiyon mula sa pagsisimula ng election period noong Enero 13.
Kabilang umano dito ay ang pagsasagawa ng pagsisilbi ng search at arrest warrants, checkpoints at iba pang law enforcement activities.
Batay aniya ito sa pagsunod sa direktiba ng national office na ipatupad nang maayos ang firearms ban sa pakikipag-ugnayan sa Armed Forces of the Philippines at iba pang law enforcement agencies.
Tiniyak rin ng police general na ginagawa nila ang kanilang makakaya upang magkaroon ng kapayapaan sa rehiyon habang nalalapit ang May 2019 local and national mid-term elections.