Inatasan na ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Rommel Marbil ang mga commanders nito na simulan na ang pagtukoy sa mga posibleng “election areas of concern” para sa 2025 Local and National Election.
Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na ang mga kapulisan ngayon ay nasa “election mode” dahil sa nalalapit na paghahain ng mga certificates of candidacy (COC) sa buwan ng Oktubre.
Ibibigay naman ng PNP ang mga impormasyon na kanilang makukuha sa Commision on Elections (COMELEC) para sa mga lugar na mapapasailalim sa election areas of concern.
Bukod pa dito ay pag-aaralan din ng PNP ang mga lugar kung saan kailangan ng dagdag na tauhan para maiwasan at agad na masukol ang anumang posibleng election -related violence.
Magugunitang gaganapin ang paghahain ng COC mula Oktubre 1 hanggang 8.