-- Advertisements --

Inaresto ng mga tauhan ng PNP Anti-Cybercrime Group ang tatlong indibidwal dahil sa pagkakasangkot nito sa pagbebenta ng paputok online.

Nag-ugat ang operasyon matapos na ipag-utos ni PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil ang pagpapaigting sa cyber patrolling ng pulisya upang masugpo ang ilegal na bentahan ng mga paputok sa mga social media platforms.

Sa isang pahayag ay sinabi ni PNP-ACG Spokesperson Lt. Wallen Arancillo ang mga suspect at naaresto sa pamamagitan ng isinagawang intrapment operations.

Ang mga ito ay naaresto mula sa magkakahiwalay na lugar an kinabibilangan ng Tondo, Maynila, Barangay East Bajac-Bajac, Olongapo City, Zambales at Lapu-Lapu Avenue, Malabon City.

Batay sa datos ng pulisya , aabot sa mahigit P14,000 ang kabuuang halaga ng nasa 500 na ilegal na paputok na nakumpiska kung ito ay naibenta.

Muli namang pinaalalahanan ng pulisya ang publiko na mag-ingat sa pagbili ng mga paputok online upang makalayo sa anumang disgrasya.