-- Advertisements --
Pinag-iingat ng Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang publiko sa pagbubukas ng iba’t-ibang links na ipinapadala sa kanila online.
Ayon sa sa PNP-ACG na tumataas ang bilang ng mga nabibiktima ng tinatawag na hijack profile.
Modus ng nasabing mga hackers ay kukunin ang profile ng biktima at doon sila manghihingi ng pera sa mga kakilala nito.
Umabot na aniya sa 89 na kaso ng mga hijack profile scam ang naitala ng PNP-ACG mula pa noong buwan ng Pebrero ng taong kasalukuyan.