-- Advertisements --

Magiging katuwang ng Philippine National Police (PNP) ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pangangalaga ng seguridad sa pagbubukas ng klase sa Hunyo.

Ayon kay SSupt. Eugene Pasurigan, hepe ng Public Safety Division ng PNP Directorate for Operations na bukod sa 86 na mga pulis, makatutuwang din ng mga otoridad ang mga sundalo kasama pa ang iba pang pribado at security groups mula sa mga local government unit.

Sinabi ni Pasurigan na sakop din ng kanilang trabaho ang pangangalaga sa kaayusan ng traffic at pagi-inspeksyon sa mga dormitoryo para makatiyak na walang anumang banta sa pagbubukas ng klase.

Aminado rin si Pasurigan na magkakaroon ng mga adjusment sa security preparations ng PNP tulad sa lugar ng Quiapo sa Maynila kung saan naganap ang mga magkakasunod na pagsabog kamakailan.