Palalakasin pa ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang air fleet para kanilang magamit sa ibat-ibang operasyon at misyon.
Nasa 12 helicopters ang naka program ngayong taon.
Ayon kay PNP Chief Gen. Debold Sinas, sa nasabing programa 20 mga air assets ang kanilang dapat ma -procure kabilang ang dalawang fixed wings aircraft at air ambulance para mabuo ang kanilang PNP Air Group.
Aniya, tuloy-tuloy din ang pag training sa mga piloto ng PNP, sa katunayan nasa 10 piloto ang nakatakdang grumadweyt at hinihintay na lamang ang ibibigay na training ng Airbus na magmumula pa sa Singapore.
Sasailalim din sa rescue and evacuation training ang mga PNP Pilots kasama na dito ang pagpapalipad sa mga fixed wing aircraft at mga choppers.
Sa ngayon may pitong choppers ang PNP na functional kabilang dito ang pitong H-125 Airbus, dalawang R-22 Robinson police helicopters at isang fixed-wing trainer aircraft.
Sinabi ni Sinas, mahalaga na mapalakas ang kanilang air fleet ng sa gayon magamit ito sa kanilang mga combat operation at humanitarian assistance mission.
Idi-deploy ang mga choppers sa buong bansa para magamit ng mga tropa.
Pahayag ni Sinas sa sandaling mabuo na ang kanilang PNP Air Group lahat ng Area Police Office ay magkakaroon na ng tig dalawang choppers.
Nuong January 29,2021 pormal ng tinanggap ng PNP ang tatlong bagong H-125 Airbus single engine turbine multi-role police helicopters.
Ayon kay PNP chief, ang pagdating ng tatlong bagong helicopters ay lalo pang mapaigting ang kanilang operational capability lalo na sa kampanya laban sa anti-insurgency at anti-terrorism campaign.
Samantala, kinumpirma ni PNP Chief na natanggap na nila ang bayad o refund mula sa insurance sa bumagsak na PNP chopper nuong nakaraang taon.
Ayon kay Sinas nasa $300,000 plus US Dollars ang refund na kanilang natanggap mula sa GSIS kasama na dito ang insurance pay na ibibigay sa mga naging biktima lalo na kay dating MGen Joevic Ramos na namatay dahil sa nasabing aksidente, ang mga survivors na sina dating PNP Chief Archie Gamboa, MGen Mariel Magaway; BGen Bernard Banac at mga Piloto.
Sinabi ni Sinas, ang pera mula sa insurance ay gagamitin nila para bumili ng air ambulance aircraft.