-- Advertisements --

Sinibak na sa pwesto bilang hepe ng Anti-Kidnapping Group (AKG) si Police Brigadier General Elmer Ragay matapos ang naging pagdukot at pagkamatay ng businessman na si Anson Que at ang driver nito.

Sa isang panayam, kinumpirma ni PRO III Director at PNP Spokesperson PBGen Jean Fajardo na tinanggal na nga sa kaniyang posisyon si Ragay.

Ito ay matapos na ipahayag mismo ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil ang dissatisfaction sa performance ni Ragay bilang hepe ng AKG unit.

Ayon din kay Fajardo, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente dahil kasalukuyang tinitignan pa rin kung ang tanging pakay lamang sa insidente ay kidnapping o mayroon pang ibang objective ang mga indibidwal sa likod ng insidente.

Ito aniya ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi muna makapaglabas ngayon ng iba pang detalye ang panig ng kapulisan.

Kasunod nito ay hiniling din ng pamilya ng biktima na magsagwa ng imbestigasyon ng tahimik at humingi rin ng privacy tungkol sa inisdente.

Sa ngayo ay mayroon naman nang mga sinusundan na leads ang PNP para sa imbestigasyonkung saan tinigtignan na ang mga sangkot sa insidente ay maaaring kabilang rin sa ilan pang kidnapping incident.

Matatandaan naman na natagpuan ang ang mga bangkay ni Anson Que at ng driver nito sa bahagi ng Rodriguez, Rizal nitong Miyerkules kung saan ang mga biktima ay natagpunang duguan ang ulo sa loob ng isang nylon bag.

Samantala, si Ragay ay papalitan naman ni dating Deputy director for operations ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) PCol. David Nicolas Poklay