-- Advertisements --
Aminado ang pamunuan ng PNP-Anti-Kidnapping Group na tumataas na ang kaso ng kidnapping ng mga Chinese Nationals sa POGO Industry at dahil dito nauubos na ang kanilang oras at resources sa ngayon.
Ayon kay PNP AKG Spokesperson PLtCol Jowel Saliba karamihan sa kasong iniuulat sa kanila ay hinggil sa mga Chinese na may kaugnayan sa POGO at online casino.
Sinabi ni Saliba wala silang naitatalang kaso ng Kidnapping ng mga Filipino.
Sinabi ni Saliba,nangako umano ang Embahada na magpapadala sila ng Chinese Desk sa PNP na siyang mag aasikaso sa mga problemang kinasasangkutan ng mga Chinese nationals.
Walang pinag-iba ito sa unang itinatag ng Republic of Korea na Korean Desk.