-- Advertisements --

All-set na ang PNP sa gagawing pamamahagi ng second tranche ng cash aid mula sa gobyerno para sa ating mga kababayan.

Ito’y matapos iatang ng Pangulong Rodrigo Duterte sa PNP at AFP ang pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP) funds.

Ayon kay PNP spokesperson B/Gen. Bernard Banac sa panayam ng Bombo Radyo, kanilang sisiguraduhin na magiging mabilis ang distribusyon ng financial aid lalo na doon sa mga malalayong lugar.

Sa mga lugar naman na may banta sa seguridad dahil sa may presensiya ng mga teroristang grupo, NPA at mga lawless elements magsasanib pwersa ang AFP at PNP dito.

Sinabi ni Banac, prayoridad sa nasabing pamamahagi ay ang mga pulis na babae na siyang nabanggit at nais ng Pangulo.

May binuo na rin silang grupo na siyang tututok sa distribusyon ng cash aid habang ang iba ay magbibigay seguridad.

Sisiguraduhin din ng PNP na makarating sa mga beneficiaries ang pinansiyal na tulong mula sa gobyerno.