Arestado ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang isang pulis na driver ng ambulansiya ng PNP Health Service sa ikinasang entrapment operation sa Camarin, Caloocan City kung saan kinokotongan nito ang isang police applicant ng P100,000.00.
Kinilala ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar ang nahuling pulis na si S/Sgt. Joel Bunagan, 37-anyos.
Kaagad ipinag-utos ni PNP Chief ang summary dismissal proceedings laban kay Bunagan na naaresto na nuong nakaraang taon sa kaparehong offense.
Sinabi ni Eleazar kaniya ng inaalam at pinaiimbestigahan kung bakit nanatili sa serbisyo ang nasabing pulis, tinutukoy na rin sa ngayon kung sino ang mga kasabwat ni Bunagan para magsama sama sila sa bilangguan.
Si Bunagan ay kasakuluyang nakakulong sa detention facility ng IMEG sa Camp Crame at nahaharap sa kasong paglabag a RA 11032.
Pinapangakuan umano ni Bunagan ang mga mga aplikante na may mga problema sa kalusugan ay makakapasa sa medical examination kapalit ng P100,000.00 na bayad.