-- Advertisements --

Aminado ang pamunuan ng Pambansang Pulisya na hirap sila sa clearing operation sa Marawi City kasama ang mga sundalo.

Ayon kay PNP chief Police Director General Ronald dela Rosa, na mabilis na nakalilipat ang mga Maute Group sa mga matataas na Building sa lugar kaya’t akala ng mga government forces ay marami pa ang kanilang mga kalaban.

Sinabi ni De La Rosa na mahirap talaga ang isang close quarter battle gaya ng nangyayari ngayon sa Marawi.

Maingat ang mga puwersa ng gobyerno upang hindi madamay ang mga sibilyan.

Nakapaghanda umano ang mga Maute groups kaya hanggang ngayon ay may bala pa rin ang mga ito.

Ibinunyag ni Dela Rosa na hirap din sila dahil kinakanlong sila ng mga narco-politicians at ilang mga residente sa lugar.