-- Advertisements --

Aminado ang pamunuan ng pambansang pulisya na pumalpak sila sa pagbabantay o pagbibigay seguridad kayat may mga nangyaring pagsabog sa Quiapo, Manila.

Ayon kay PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa, na ang nangyaring pagsabog ay patunay na malaki ang kanilang pagkukulang.

Gayunpaman sinabi ni PNP chief na hindi saklaw ng pagbabantay ng kanilang mga Intelligence Operatives ang mga personal na away na siyang nakikitang anggulo ng PNP sa mga nangyaring pagsabog.

Sinabi ni Dela Rosa na ang binabantayan lang nila ay ang mga banta mula sa mga threat groups, kabilang dito ang CPP NPA, Abu sayyaf, at Maute terror group.

Pahayag ni Dela Rosa na kanila namang tinatanggap ang mga batikos ng kanilang mga kritiko.

Pero tiniyak ni PNP chief na walang kinalaman ang terorismo sa nangyariing twin bombing sa Quiapo.

Giit nito na hindi sila gumagawa ng anumang dahilan para malihis ang totoong motibo sa pagsabog.

Pagtiyak ng heneral na ang nangyaring twin blast sa Quiapo ay isang isolated case lamang at walang dapat ikabahala ang publiko dito.