-- Advertisements --

Pina-alalahanan ng PNP Anti-Cybercrime Group ang publiko na maging mapagmatyag sa mga pag-aaring personal accounts gaya ng social media o bank accounts.
Ito’y matapos ma-hack ang credit card ni Senator Sherwin Gatchalian at mawalan ng P1 Million.


Ayon kay ACG Director B/Gen. Marvin Pepino, hindi basta basta matetake over ng mga hacker ang mga online account na hindi dadaan sa verification system at ito ang kanilang napag-aralan kung pano nila maloloko at mapapaniwala ang mga biktima at kung paano makuha ang mga ito.


Paliwanag ni Pepino, mayroong mga security mechanism ang online services at mga banko at hindi sila pumapayag na mahingi ang mga personal na impormasyon kagaya ng OTP via online.


Bagaman responsibilidad ng online services na siguraduhing secured ang mga account, reponsibilidad din natin bilang may ari ng accounts na siguraduhin na secured ito at aksiyunan agad kung may mga indikasyon na ng hacking na nagaganap, kagaya ng may nagsesend na ng abiso sa email na nagsasabing may nagtangkang maglogin mula sa ibang device, o may huminhingi ng passcode or OTP na hindi naman ikaw ang nagrequest.


Dagdag pa ni Pepino, kapag hindi naman na naiwasan at naloko, dapat na ireport agad ang mga ito sa tunay na online services o banko kung saan nakasubscribe at hindi sa mga nagpapanggap lamang na nanghihingi ng impormasyon, upang matigil agad ang hindi otorisadong pag gamit at marecover agad ang na-hack na account.