Naka-deploy na ngayon sa ilang bahagi ng bansa ang mga tauhan ng binuong Anti-Terror Unit ng Philippine National Police (PNP) na pinangungunahan ng Intelligence Group.
Ayon kay PNP chief Gen. Camilo Pancratius Cascolan dahil sa pinalakas na intelligence operations kaya sunud-sunod ang pag-aresto sa ilang miyembro ng local terrorists gaya ng pag-aresto sa recruiter ng Dawlah Islamiya sa Quezon City at sumunod ang trusted aide ni ASG leader Mundi Sawadjaan.
Sinabi ni Cascolan, magkatuwang ang PNP at AFP sa kampanya laban sa terorismo.
Pagtiyak nito lalo pa nilang paiigtingin ang kanilang kampanya para maneutralize ang mga terorista na patuloy sa paghasik ng karahasan.
Giit ni Cascolan, malaking tulong sa kanila ang suporta na ibinibigay ng mga LGUs at ng komunidad.
Kinumpirma ni Cascolan ang restructuring sa Intelligence Group, layon nito para makapag pokus ang nasabing unit sa kanilang trabaho na siyang mangunguna sa kanilang anti-terror unit.