-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nakaalerto ngayon ang Tacurong PNP maging ang Philippine Army para sa posibleng paghihiganti na maaring gagawin ng anumang terror group matapos na-neutralize ang kanilang bomb courier.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Tacurong PNP chief of police Lt. Col. Rey Egos, inaasahan na nila ang naturang senaryo lalo na’t sigurado umanong maghihiganti sila kasunod ng insidente.

Kaugnay nito, umaapela naman ang opisyal ng kooperasyon sa mga mamamayan upang masugpo ang anumang karahasan na maaaring isagawa ng mga lawless elements, lalo na’t inaasahan ang pagdagsa ng mga tao sa Pasko.