Pina-alalahanan ni PNP Administrative Support for Covid-19 Task Force (ASCOTF) Commander at The Deputy Chief for Administration (TDCA) PLt. Gen. Joselito Vera Cruz ang lahat ng mga police unit commanders, chiefs of offices sa buong bansa na gawin ang kanilang trabaho na naaayon sa kanilang mandato.
Ayon kay Vera Cruz, dapat palagiang sinusunod ng mga unit commanders ang Anti-Covid-19 strategy ng gobyerno.
Ito ay ang Prevent-Detect-Isolate-Treat- Reintegrate (PDITR) para maiwasan na may mga pulis na masawi sa nakamamatay na virus.
Nitong Miyerkules, June 2, 2021, pinulong ni Vera Cruz ang ASCOTF at binigyang-diin na striktong sundin ng mga Pulis ang Minimum Public Health Standard (MPHS) na siyang magsisilbing proteksiyon laban sa Covid-19 virus habang sila ay naka duty.
Hinimok din ni Vera Cruz ang mga pulis na palakasin ang kanilang immune system sa pamamagitan ng pag ehersisyo at pag inum ng vitamins at supplements habang hinihintay na mabakunahan ng Covid-19 vaccine ang mga nasa A4 category.
Ang panawagan ng Heneral ay dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19 fatalities sa hanay ng Pambansang Pulisya.
Sa ngayon, pansamantala munang itinigil ng PNP ang kanilang vaccination program matapos maubos ang supply na ibinigay sa kanila ng Department of Health (DOH).
Inaabangan ngayon ng PNP ang panibagong vaccine allocation para sa mga A4 category kung saan kabilang na dito ang mga heneral ng Pambansang Pulisya.
” Just consistent reminder to our personnel to religiously observe MPHS as we are nearing our time to be inoculated being part of the priority A4 category. Likewise, we encourage all personnel to boost their immune system through regular exercise and taking vitamins and supplements. Unit commanders /chiefs of offices to be mindful of the government’s anti-Covid-19 strategy of PDTIR and perform their role in accordance with our mandate,” mensahe na ipinadala ni Lt Gen. Vera Cruz sa Bombo Radyo.