-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nakaheightened alert sa ngayon ang pulisya at kasundaluhan sa South Central Mindanao sa posibleng retalliatory attact ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters of BIFF matapos na mapatay sa inilunsad na law enforcement operation sa lungsod ng Tacurong ang it itinuturing most wanted at bomb expert na si Kumander Boy Jacket.

Kung matatandaan, kinumpirma sa Bombo Radyo Koronadal ni Police Lt. Col. Bryan Bernardino, chief of police ng Tacurong City PNP na napatay nila si Kumander Boy Jacket at kasama nito noong Sabado ng umaga sa Public Terminal sa Barangay Isabela, Tacurong City.

Kasamang nasawi ni Abdulkarem Lumbatan Hasim alyas “Kumander Boy Jacket” ang isang Makmud Lumbatan na myembro rin ng BIFF-Karialan Faction habang nakatakas naman ang dalawa pa nilang kasamahan matapos makipagbarilan sa mga otoridad.

Si Kumander Boy Jacket ang itinuturing most active commander ng BIFF na sangkot sa ibat-ibang atrocities sa South Central Mindanao kabilang na pamomomba at responsable din sa pananambang patay sa mga PNP personnel na kabilang na ang hepe Ampatuan PNP ba si Police Lt. Col. Reynaldo Samson at kasamahan nito noong Agosto 29,2022.

Sangkot din ito sa panghaharass sa Barangay Sambulawan, Datu Salibo, Maguindanao na nagresulta sa pagkamatay ni Cpl. Allan Balena noong October 2022.

Maliban dito, itinuturo din siya sa serye ng pananambang sa mga sundalo noong nakaraang taon. May existing warant of arrest din ang suspect sa mga kasong double murder at multiple frustrated murder.

Dagdag pa ni Bernardino, malaking kawalan sa kanilang grupo si Kumander Boy Jacket dahil sa pinamumunuan nito ang mga operasyon ng karahasan ng kanilang grupo.

Samantala, nasa maayos na kalagayan na rin ang tatlong mga PNP personnel na nasugatan sa nangyaring palitan ng putok nang makaengkwentro nila ang grupo ni Kumander Boy Jacket.

Napag-alaman na ang nasabing operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng Taskforce Talakudong,Joint Taskforce Central, Tacurong PNP at 1st Mechanized Brigade ng Philippine Army.