-- Advertisements --

Nagpulong ngayong araw sina Commission on Elections Chairman George Erwin Garcia at Philippine National Police Chief PGen. Rommel Francisco Marbil at ilang matatas na opisyal ng PNP sa Camp Crame.

Ayon kay Comelec Chair Garcia, ang security briefing ay sumentro lang sa peace and order situation sa bansa at napag-usapan din maging ang mga loopholes at adjustments ngayong election period.

Malaki raw kase ang posibilidad na makaroong ng pababago sa categorization at classification ng 38 areas of concern sa bansa.

Hindi pa sinasabi ng PNP kung madadagdagan ba ang bilang ng areas of concern o mababawasan dahil anim pa raw na rehiyon ang hindi pa nakakapag-submit ng report para matukoy at magkaroon na ng assessment sa kalagayan ng bansa.

Samantala, sinabi rin ni Garcia na kaya sila nagpulong ng PNP dahil gusto rin daw nilang mapag-usapan ang mga binuo nilang task force lalo na ang task force kontra vote buying.