CENTRAL MINDANAO-Inabot mismo nina Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr, kasama si PNP Chief Director General Rodolfo Azurin Jr at Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu ang medalya ng kadakilaan sa mga nasawing pulis na sina Ampatuan Chief of Police Lieutenant Reynaldo Samson at Corporal Salipuden Endad.
Habang medalya ng kagitingan sa mga sugatan na sina Police Master Sgt. Renante Quinalayo,Police Corporal Rogelio Dela Cuesta Jr. at Corporal Marc Clint Dayaday.
Pinuri naman ni Sec. Abalos ang katapangan ng mga nasawing pulis at nagpaabot ng pakikiramay sa mga pamilyang naulila ng mga ito.
Tiniyak ng kalihim ang tulog sa pamilya ng mga nasawi at nasugatan.
Nagpapatuloy rin ang pagtugis ng militar at pulisya sa grupo ng dalawang BIFF Commander na utak sa pananambang ng mga pulis na magsisilbi sana ng warrant of arrest sa isang person sa Sitio Pasio Brgy Kapinpilan Ampatuan Maguindanao.