Lumagda ang Philippine National Police at Department of Justice sa isang kasunduan na nagsusulong ng dagdag na training para sa mga pulis.
Sa pangunguna nina Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at PNP Chief PGen Rodolfo Azurin Jr. ay nalagdaan ang isang Memorandum of Agreement para sa training at education program ng mga pulis.
Paliwanag ni Azurin na mahalaga na magkaroon ng Training at education program sa development at formation ng mga pulis lalo na ngayong patuloy ang pagbabago ng mga kinakailangan ng mga ito na teknolohiya para sa mas mabilis na pagtugon sa ib’t-ibang mga insidente.
Ang naturang kasunduan ay naglalaman ng aabot sa Php 300 million na halagang pondo na inilaan para sa nasabing programa.
Kaugnay nito ay umaasa naman si Azurin na sa pamamagitan nito ay mas magiging epektibo at maganda ang resulta ng magiging performance ng mga pulis ng Pambansang Pulisya.
Habang lubos naman ang kanyang pasasalamat sa mga kinauukulan, at DOJ dahil sa special provision na ipinagkaloob ng mga ito sa PNP para sa pagsasaayos ng naturang programa.