-- Advertisements --
pnp pcg

Nagkasundong muli ang Philippine National Police at Philippine Coast Guard na magtulungan para sa pagpapaigting pa ng maritime security ng Pilipinas.

Ito ay matapos ang naging pagpupulong nina PNP Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr. at PCG Commandant Admiral Artemio Abu sa PCG headquarters.

Dito ay tinalakay ng dalawang ahensya kung paano mapapalakas pa ang kooperasyon ng mga ito para itaguyod ang maritime security ng bansa.

Kabilang sa mga pinagpulungan ng dalawang opisyal ay ang pagpapalakas pa ng intelligence-sharing, joint maritime patrols, at pagtutulungan sa environmental safety at security, at gayundin ang pangangalaga sa yamang dagat ng dalawang kagawaran.

Bukod dito ay inaasahan na muling maipapamalas ang mahusay na pagtutulungan ng PNP at PCG sa darating na Semana Santa at Summer Vacation para tiyakin ang kaligtasan ng mga manlalakbay.

Samantala, nagpaghayag naman PNP Chief Azurin ng pasasalamat para sa aktibong partnership ng PNP at PCG sa pagpapatupad ng marine safety, security, law enforcement, at search and rescue.