-- Advertisements --
PNP PDEA1 1

Bumuo na ng unified guidelines ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagsasagawa ng anti-drug operations para maiwasan ang misencounter lalo pa’t muntik na naman itong maulit noong Byernes.

Ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, nitong Sabado nagkaroon sila ng bilateral meeting ni
PDEA Director General Wilkins Villanueva at iba pang mga opisyal sa Camp Crame.

Dito, tinalakay kung paano pa mapagbubuti ang kanilang koordinasyon at pagtutulungan.

Kasama rin sa napag usapan ang pagkakaroon ng guidelines kung saan kinakailangang ideklara ang specific areas ng operation sa mga Station Level sa malalaking lungsod.

” So ang gagawin natin ngayon napag usapan namin initially since we
have 16 police stations in QCPD. So yung respective area nila ngayon
that will serve as their operation area. So kapag nag coordinate si
PNP kay PDEA, may operation po kami dito sa area called by station 1.
So doon ka lang, alam ni PDEA ngayon and PDEA, commitment ni Wilkins kapag meron kayong operation diyan at a given time hindi kami mag ooperate diyan. Ngayon kung meron naman operation ang PDEA, eh di i-disapprove ni PDEA or huwag muna kayo mag operate, as simple as that. So well for other places like Manila probably we can adopt the same, pahayag ni Eleazar.

Paliwanag ni Eleazar, sinasamantala ng mga sindikato ang gap sa rules of procedure sa inter-operations ng PNP and at PDEA.

Kaya naman tututukan nila ngayon ang unified protocol para maiwasan na maulit pa ang anumang pagkukulang sa koordinasyon at komunikasyon.

Siniguro ni Eleazar na hindi na mauulit pa ang insidente sa pagitan ng PNP at PDEA.