-- Advertisements --

Nabisto ang operasyon ng isang shabu factory sa nirerentahang bahay sa Tanza , Cavite matapos ang naganap na pagsabog.

Ayon sa mga residente na dakong alas-5 ng umaga ng makarinig sila ng malakas na pagsabgo.

Mabilis umano na tumakas ang mga tenants ng nasabing bahay.

Nakita sa CCTV ng barangay Sahud Ulan na unang umalis ang dalawang lalaki sa Antero Highway na sinundan ng dalawa pang lalaki at dalawang babae.

Sinabi Punong Barangay Recto Fojas, na noong pang Nobyembre ng makatransaksyon ng may-ari ng bahay ang mga tenants sa social media.

Nakita ng mga bumbero ang isang kuwarto na tila doon ginagawa ang pagluluto ng mga droga.

Sinabi naman ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nasa 20 kilos ng iligal na droga ang ginagawa doon base na rin sa mga nadiskubreng ebidensiya.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang PNP at PDEA sa pagkakakilanlan ng mga dayuhan at Pilipino na nagrenta ng nasabing bahay.