-- Advertisements --

CEBU CITY – Nakahanda na ang mga kawani ng Mandaue City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) para sa Traslacion bukas.
Kung saan nagtayo ito ng mga tolda sa bakuran ng National Shrine of St. Joseph para sa Traslacion ngayong Biyernes ng umaga, Enero 13.

Hindi bababa sa apat na tent ang ilalagay sa lugar, na gagamitin ng mga tauhan ng CDRRMO kabilang ang medical team, pulis, City Health personnel, at augmentation personnel mula sa barangay, ani Nestor Cortes, logistics section chief ng CDRRMO.

Una nito, nagsagawa na ng dry-run ang Mandaue City Police Office (MCPO) sa Traslacion.

Ibinunyag ni Police Lieutenant Colonel Franco Rudolf Oriol, deputy city director for operations ng MCPO, na aabutin ng humigit-kumulang 12 minuto hanggang 15 minuto ang transportasyon mula Barangay Subangdaku patungo sa National Shrine of St. Joseph Parish.

Sa kabilang banda, sinabi ni Father John Ion Miranda, ang Pinuno ng ORDER OF SAINT AUGUSTINE (OSA), na handa na sila para sa kaganapan na magsisimula sa alas-3 ng madaling araw mula sa Walk of Mary, sa Guadalupe Shrine, Penitentiary Walk of Mary alas-4 ng umaga at pagkatapos nito ay magsisimula nang isagawa ang Traslacion sa Mandaue City.

Una nito, inaasahan na nang kapulisan na dadagsa ang mga tao dahil dalawang taon na itong hindi ginaganap kaya naman dinagdagan din nila ang kanilang deployment.