Magdedeploy ang Philippine National Police Aviation Security Unit (AVSEU) ng karagdagan nitong mga personnel para mapalakas ang pagbabantay sa kabuuan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon kay Public Information Officer PMaj. Junielle Agmata, karagdagang 100 personnel ang lalabas upang tumulong sa pagsasagawa ng mobile patrol at mapalakas ang police visibility sa loob at labas ng terminal.
Sa kasalukuyan ay mayroong 571 AVSEU personnel na nakadeploy sa naturang paliparan.
Ayon kay Agmata, magdaragdag din ang naturang police unit ng mga police assistance desk sa loob ng terminal.
Ang ibang mga personnel nito ay tutulong din sa iba pang mga ahensiya ng pamahalaan na may kinalaman sa pagmentene ng seguridad at kaayusan sa loob ng terminal.
Samantala, target ng naturang police unit na bantayan ang mga pangunahing gateway ng NAIA sa Pasay at Parañaque, kung saan inaasahang marami ang dadagsang mga pasahero.