CENTRAL MINDANAO-Hihigpitan pa ng militar at pulisya ang seguridad sa bayan ng Pikit Cotabato.
Bago lang ay nagpadala ng augmentation Force ang Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) sa Pikit Cotabato mula sa tropa ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) na pangungunahan ni Lieutenant Jhon Mark Maandal.
Sakop ng pinadala pwersa ng PRO-BAR ang tatlong mga Barangay sa bayan ng Pikit na napapaloob sa Special Geographic Area ng BARMM tulad ng Brgy Batolawan,Fort Pikit at Barangay Gli-Gli.
Araw-araw ay mag-iikot o foot patrol ang mga pulis katuwang ang militar para masugpo ang nagaganap na kremin sa tatlong Barangay.
Hiniling ni Maandal sa mamamayan ng Pikit na huwag silang magagalit sa kanilang mga ginagawa lalo na ang pagsita sa mga walang plakang mga motorsiklo gayundin sa mga nagdadala ng hindi lesinsyadong armas dahil ito ay para naman sa kanilang kapakanan
Ang tropa ng PNP-BARMM ay bilang support team forces sa bayan ng Pikit upang matigil ang mga barilan,ambush,engkwentro at iba pa.
Tututukan rin ng mga pulis ang pagbabantay sa mga paaralan para masigurong payapa ang pag aaral ng mga estudyante at seguridad ng mga guro.
Matatandaan na sumiklab ang matinding engkwentro sa hangganan ng Pikit at Aleosan Cotabato kung saan anim na Cafgu at tatlong BPAT ang nasawi.