LEGAZPI CITY – Matagumpay ang patuloy na malawakang operasyon ng Police Regional Office-V (PRO 5) sa pagpapatupad ng ”Intensified Cleanliness Policy in the Community” (ICP) sa buong Bicol.
Ayon kay Maj. Malou Calubaquib, tapagpasalita ng PRO 5 sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, kasunod ito ng mas pinaigting pa na paglunsad ng iba’t-ibang operasyon kontra kriminalidad.
Batay sa datos, sa unang linngo ng Agosto 19, operasyon ang naikasa ng kapulisan sa kampanya sa iligal na drogna sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon, kung saan 22 katao ang naaresto at isa ang napatay.
Nagresulta rin ito sa pagkakakumpiska ng 103 grams ng shabu na may kabuuang halaga na P707,484 habang isang baril naman ang narekober.
Kaugnay nito, mas pinaigting din ang operasyon kontra loose firearms upang mapigilan ang posibleng paglaganap pa ng krimen partikular na ang paggamit ng hindi lisensyadong baril.
Sa 14 operasyon na nakaisa, lima katao ang naaresto, habang 16 na baril ang nakumpiska at 14 ang narekober at kusang loob na isinuko.
Sa manhunt operation naman para sa mga wanted persons, ang PNP Bicol ay nakapagtala ang 136 na operasyon sa loob at labas ng rehiyon, kabilang na ang paghain ng mandamiento de aresto at pagkakaaresto ng 99 na wanted sa batas.