-- Advertisements --
Mahigpit ang ginagawang pagbabantay ng Philippine National Police ang pagkalat ng party drugs gaya ng ecstacy sa mga kilalang tourist destination.
Sinabi ni PNP Public Informationa Officer Chief Police Col. Red Maranan na kabilang ang nasabing pagbabantay nila sa ipinapatupad na Oplan Summer Vacation.
Batay kasi sa kanilang datus na nagiging malakas ang bentahan ng mga party drugs tuwing bakasyon na karamihan ay mga kabataan ang biktima.
Magugunitang noong Marso 2016 ay mayroong limang kabataan ang nasawi matapos na ma-overdose sa party drugs ng manood sila ng concert.