-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Mahigpit na binabantayan ngayon ng pulisya ang galaw ng mga kasapi at opisyal ng KAPA Ministry International Inc. na nakabase sa Valencia City, Bukidnon.

Ito’y matapos nakatanggap ng impormasyon ang Valencia PNP na nagplano umano ang mga KAPA members na muling mag-o-operate sa nasabing lungsod.

Sa panayam ng Bombo Radyo, nagbabala si Valencia City Police Director, P/Col. Surkie Serenias na kanilang huhulihin at kakasuhan ang mga kasapi ng KAPA na magpapatuloy sa kanilang iligal na aktibidad.

Iginiit ng opisyal na isang investment scam ang KAPA at hindi sila papayag na madadagdagan pa ang mga naging biktima nito.

Hindi rin magpapatinag ang PNP kung sakaling gagawa ng bayolenteng aktibidad ang mga KAPA supporters.

Una rito, nagalit ang daan-daang miyembro ng KAPA sa Valencia matapos ipinahinto ni Pres. Rodrigo Duterte ang kanilang iligal na operasyon.