-- Advertisements --

Lumilinaw na ang pagkakakilanlan ng persons of interest sa pagpatay sa mag-asawang online seller sa Mexico, Pampanga.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief, PBGEN. Jean Fajardo, maganda na ang nagiging takbo ng imbestigasyon para malaman ang utak sa pananambang sa mag-asawa.

Isang witness umano ang lumapit sa pulisya, para magbigay ng impormasyon sa back rider na nagpaputok ng baril sa sasakyan ng 2 biktima. Ani Fajardo, ang witness ay may dating transaksyon sa back rider kaya sa ngayon ay hawak na umano nila ang pangalan nito at binibiripeka nalang.

Samantala, may reward na rin na 100,000 mula sa lokal na pamahalaan ng Mabalacat, Pampanga sa sino mang makakapagsabi ng impormasyon na magreresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek.

Tintitingnan pa rin ngayon ng pulisya ang dalawang anggulo sa kaso na posibleng dahil sa negosyo o personal na problema ng mag-asawa o ng mastermind sa krimen.