Binigyang pugay ni PNP Chief Gen Rommel Francisco Marbil ang 16 na pulis na nasawi at 40 iba pa na nasugatan sa mga ikinasang operasyong ng pulisya sa buong bansa ngayong taon.
Ayon kay Gen. Marbil, isang tunay na inspirasyon para sa buong hanay ng Pambansang Pulisya ang ipinamalas na katapangan ng mga nasawing pulis.
Ito ay upang maging ganap na mahusay mas malakas, at mas matalino sa pagganap ng kanilang mga tungkulin ang mga aktibong pulis sa bansa.
Batay sa datos ng PNP, ang bilang ng mga nasawi at sugatang pulis ay naitala mula Enero 1 hanggang Hulyo 13.
Apat sa mga sugatang pulis ang sugatan sa pakikipag barilan sa grupo ng mga hinihinalang kriminal sa Tondo, Maynila nitong Miyerkules ng nakaraang linggo.
Giit ni Gen. Marbil, ang pagkamatay ng mga pulis ay nagbibigay diin lamang sa hindi natitinag na pangako ng PNP sa kaligtasan at seguridad ng publiko.
Hinikayat din ni Marbil ang mga pulis na pagtibayin ang mga sakripisyo ng kanilang mga nasawing kasamahan at tiyakin ang kanilang kaligtasan.