Blanko pa rin hanggang sa ngayon ang Philippine National Police (PNP) kung sino ang nasa likod sa pamamaslang kay Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe.
Ayon kay PNP chief PDGen. Oscar Albayalde, nasa proseso na ngayon ang Special Investigation Task Group – Batocabe para tukuyin kung sino ang mastermind sa pagpatay sa mambabatas.
Hindi naman maituturing ng PNP na election related ang insidente.
Sinabi ni Albayalde, kapwa iniimbestigahan ngayon ng PNP kung may kinalaman ang komunistang NPA at mga pulitiko na may mga alagang private armed groups.
Una ng sinabi ni PRO-5 regional police director CSupt. Arnel Escobal na may natanggap silang intelligence report na may natatanggap na banta mula sa komunistang NPA si Batocabe.
Inihayag din ni Escobal na bago pa ang insidente sa pagpatay kay Rep. Batocabe sila ay nagkausap at nagpahayag ng pagkabahala ang mambabatas dahil ilang mga pulitiko sa kanilang lugar ay may mini maintain na mga private armed groups.