Hanggang sa ngayon blanko pa rin ang PNP sa kung sino ang nasa likod sa pagpatay kay dating Tanuan Mayor Antonio Halili.
Ayon kay PNP chief PDGen. Oscar Albayalde, nahihirapan ang mga imbestigador matukoy kung sino ang nasa likod ng pamamaslang.
Bagamat nagpapatuloy ang imbestigasyon ng SITG Halili ukol dito.
Magugunitang si Halili ay kabilang sa narco list ni Pang. Rodrigo Duterte.
Si Mayor Halili ay binaril ng hinihinalaang “sniper” habang nasa flag ceremony.
Una ng nilinas ng PNP na hindi sniper ang bumaril sa alkalde kundi isang experto sa paghawak ng baril.
Sinabi ni Albayalde na wala pang major breakthrough sa kaso ni Halili.
Habang ang kaso ni Mayor Ferdinand Bote ng General Tinio, Nueva Ecija ay negosyo ang motibo sa pagpatay.
Sa kaso naman ni Trece Martirez Vice Mayor Alexander Lubigan, pulitika ang motibo sa pagpatay.