-- Advertisements --
pnp CHIEF ALBAYALDE
PNP chief Albayalde

Hanggang sa ngayon ay blanko pa rin umano ang PNP kaugnay sa pagpatay kay dating Medellin, Cebu Mayor Ricardo Ramirez habang naka-hospital arrest.

Ayon kay PNP chief PGen. Oscar Albayalde, kabilang sa tinitignan nilang anggulo ay personal grudge o may kinalaman sa iligal na droga.

Si Ramirez ay kabilang sa drugs watchlist ng PNP.

Bubuo ng special investigation task group ang PNP kaugnay sa insidente.

Sinabi ni PNP chief, hindi aniya pangkaraniwan na 15 armadong lalaki ang papasok sa hospital para patayin si Ramirez.

“Medyo shocking ng konti yun. Titignan din natin baka yung BJMP naman ay baka na-underestimate yung threat on the life of their detainee but tutulungan natin sila we’ll investigate on this incident,” pahayag ni PNP chief.