-- Advertisements --

Magpupulong ang PNP Board of Generals ngayong araw na ito para pumili ng magiging kapalit ni outgoing NCRPO Director PMGen. Debold Sinas na pormal na manunungkulan ngayong araw na ito bilang ika-25 PNP Chief.

Ayon Kay DILG Sec. Eduardo Año, gagawin ang pagpupulong sa National Headquarters pagkatapos ng assumption to office ni Mgen. Sinas.

Isusumite ng board of Generals ang kanilang rekomendasyon sa bagong PNP Chief upang ito ang magtalaga ng bagong NCRPO Director.

Tumanggi naman si Año na magbigay ng pangalan ng mga posibleng kandidato at sinabing mag-dedeliberate pa ang Board of Generals.

Pero umugong na kahapon bilang possibleng kapalit ni Sinas sa NCRPO ang pangalan ni PRO4A Regional Director BGen. Vicente Danao na miyembro ng PMA Class of 1991.

” Wala pa Anne. Magdedeliberate pa ang NHQ board after the assumption of PMGen. Sinas,” mensahe na ipinadala ni Sec Ano sa Bombo Radyo.