Bubuo ang Philippine National Police (PNP) ng guidelines para sa campaign protocol na siyang ipatutupad sa sandaling magsimula na ang election period sa January 9 hanggang June 8,2022.
Ayon kay PNP Chief Gen. Dionardo Carlos, ang PNP Directorate for Operations (DO) ang nakatutok at bumabalangkas ng guidelines na siyang ika-cascade sa mga lower units para maging kanilang basehan sa pagpapatupad ng batas.
Nagpaplano na rin ang PNP kung paano nila ipatupad ang distansiya o ang minimum public health standard lalo na sa ibat ibang campaign sorties at maging sa araw ng botohan sa May 9,2022.
Una rito naglabas na ng resolution ang Comelec hinggil sa campaign protocol at malinaw na dapat pa rin sundin ng mga kandidato ang Minimum Public Health Standard sa kanilang mga campaign sorties.
” Itong kanila po guidelines (COMELEC) translate po namin yan to our command guidelines for the various units down the line para sila po mainform, mapaaalala sa kanila, mapaintindi at yung magiging direktiba or guidelines ng NHQ pertaining to the given directive or order of Comelec,” pahayag ni PNP Chief Gen. Carlos.
Sa ngayon naghihintay pa kasi ang PNP ng memorandum mula sa Commission on Election (Comelec) para maging deputized agency sila.
Siniguro naman ni PNP Chief sa sandaling ma-deputized na sila ng Comelec, susunod sila sa anumang direktiba na iatang sa kanila ng komisyon.
Paliwanag naman ni Carlos na naka depende ang kanilang guidelines sa alert level status ng isang lugar o siyudad.
Gayunpaman nakalatag na ang ipapatupad na security measures ng PNP katumbas ng alert level status ng isang lugar.
” Well we will predict. Ano ba na yung magiging sitwasyon natin from jan. 9 to June 8,2022, so mayroon kami kung alert level is like this then this is the appropriate action by the PNP based on the guidelines of the Comelec,” pahayag ni Gen. Carlos.