Ipinag-utos ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang mga Police Regional Offices na magtatag ng mga quick reaction units para agarang rumesponde sa overcrowding sa vaccination centers.
Ito’y kasunod ng nangyaring pagdagsa sa mga vaccination center sa bisperas ng pagpapatupad ng ECQ sa NCR, na dahilan kaya hindi nasunod ang social distancing at iba pang minimum public health safety standards.
Nais ni PNP chief na kailangang maging handa ang mga quick reaction unit para i-deploy agad at ipatupad sa koordinasyon ng LGU ang posibleng kanselasyon ng bakunahan sakaling mahirapan nang pigilan ang dagsa ng tao.
Kasabay nito inatasan ni Eleazar ang mga local police commanders na makipag-ugnayan sa mga local chief executives ukol sa sistema ng bakunahan sa kani-kanilang mga lokalidad.
Ayon kay Eleazar, ito’y para para makapaghanda ng sapat na bilang ng police personnel na magbabantay dito.
Binigyang diin ni Eleazar na hindi na dapat maulit ang nangyari kahapon na pagdumog ng malaking bilang ng mga tao sa mga vaccination Centers sa Metro Manila kung saan hindi nasunod ang mga minimum public health safety standards at quarantine protocols.